Sunday, January 27, 2008

ADOBO - pork

Adobo ang isa sa mga pinakasikat na luto sa pinas. Baket??? Syempre konti ang sangkap, konting suka konting toyo may adobo na... syempre wag pilosopo kelangan syempre ng baboy. Pero all in all madaling lutuin at ang sangkap madaling hanapin at mura lang. Kaya ano pa ginagawa mo jan bumili na ng sangkap at simulan ng magluto.
Mas gusto kong lutuin etong pork adobo kesa sa chicken adobo. Wag nyo na akong tanungin kung bakit basta ang alam ko eh mas gusto ko pag adobong baboy. Maaaring mas gusto ko kase na priniprito ang manok kesa sa inadobo sya, nalalansahan kc ako pero syempre kung wala ng mapagpilian pwede na rin yung adobong manok.
Yung iba pinagsasama ang baboy at manok pero hindi namin nakagawian sa pamilya namin, kayo bahala pera nyo naman yang pambibili nyo eh. So it's your choice what you'll do with your adobo. But this is the only advice i would give you mas masarap pag masarsa ang adobo kesa sa masabaw pero nasa sa inyo pa rin yan. Kung nasanay kayo sa masabaw eh di dun kayo pero kung gusto mo sa nagmamantikang adobong baboy eh dun ka sa luto namin. At kung gusto mo yung nagmamantika eh dapat dun ka sa liempo at kung ayaw mo sa taba at puro laman ang gusto mo kasim ang dapat na baboy para sa iyo, either way nasa pagluluto mo ang magiging basehan kung masarap ba o palpak ang putahe mo. And this is how we (my family and I) cook our adobong baboy.

Ingredients:

3/4 kg pork, kasim or liempo ( sliced into cubes, 1 1/2)
1/3 na tasa ng suka (cup of vinegar), o 2 sandok ng suka (sanay kase kami sa sandok at tantsahan)
3 kutsarang toyo (tbsp of soy sauce) o 1 sandok ng toyo
1 kutsaritang asin (teaspoon of salt) o 2 kurot ng asin
3 pirasong bawang ginayat (cloves of garlic minced)
1 dahon ng laurel (pc. bay leaf) (pangtanggal ng langsa)
1/4 kutsaritang paminta (tsp black pepper), o isang kurot ng pamintang durog (pinch of black pepper)
1 tasang tubig (cup of water)
2 kutasarang mantika (tbsp of cooking oil)

Instructions:

Igisa ang ginayat na bawang sa mantika, hintaying mamula ang bawang saka ilagay ang baboy at medio lutuin ito. Ilagay ang 1 tasang tubig at pakuluin, tanggalin ang sebo pagkakulo. Saka ilagay ang suka, paminta, laurel, asin, toyo. Pakuluan sa mahinang apoy hanggang sa lumambot ang baboy. Tikman at dagdagan ng mga sangkap na sa tingin nyo ay kulang pa. Mas masarap kung mas tuyong tignan at nagmamantika.

No comments: